Ni NITZ MIRALLES

Bea Binene
Bea Binene
NASA Korea si Bea Binene nang una siyang lumabas sa Afternoon Prime  ng GMA-7 na Hanggang Makita Kang Muli noong nakaraang Huwebes at Biyernes. Pero dahil sa social media, tiyak na nabasa niya ang comments ng netizens sa role at karakter niya sa nasabing soap.

Agad nagmarka sa televiewers ang trailer ng Hanggang Makita Kang Muli  lalo na ‘yung parang aso kung tumakbo ang karakter ni Bea at ‘yung umalulong siya. Naawa ang viewers sa karakter ni Bea and at the same time, pinuri nila ang kahusayan niya sa pag-arte. Kaya maraming excited na mapanood siya bilang feral child.

Hindi pa uli nai-interview si Bea pagkatapos ng presscon ng Hanggang Makita Kang Muli. Curious kaming malaman kung hindi na ba uli siya na-award ni Laurice Guillen pagkatapos ng pasabog na award sa kanya sa first day taping.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang role ni Ana ang pinakamahirap na ginampanan ni Bea so far. Nagduda nga siya kung makakaya niyang mag-portray ng isang feral child.

“Sa storycon ko lang nalamang may feral child at tinanong ko ang sarili ko kung makakaya ko. Kinailangan kong may acting workshop at pag-aralan kung paano kumilos ang isang feral child. May eksena pa akong magmumukha akong hubo’t hubad, pero worth it ang hirap at award ni Direk Laurice,” kuwento ni Bea nang huling makausap ng press.