Saklaw ng kapangyarihan ng Commission on Election (Comelec) ang pagpapalawig sa eleksiyon ngayong taon upang matugunan ang kautusan ng Supreme Court (SC) kaugnay ng pag-iisyu ng voter’s receipt.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, suportado niya ang ganitong ideya pero ang pagkansela sa halalan ay hindi na dapat pag-usapan pa.

“The Comelec has the power to decide how long the extension should be, as long as the election starts on second Monday of May as mandated by the 1987 Constitution,” sabi ni Drilon. “If the Comelec, due to decision of the Supreme Court, will require that the voting hours be extended, even if it extends to the next calendar day, that’s allowed under the law.”

Sinabi ni Drilon na naaayon sa batas ang pagpapalawig sa eleksiyon, pero hindi ang pagpapaliban nito, na gaya ng ikinokonsidera ng Comelec.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinayuhan naman ng Liberal Party (LP) senatorial candidate at dating Justice secretary Leila de Lima ang Comelec na tigilan na ang pagkonsidera sa pagpapaliban sa halalan, at sa halip ay pagtuunan na lang ng pansin kung paano maipatutupad ang kautusan ng kataas-taasang hukuman.

Una nang nagbanta si Drilon na hahadlangan niya ang balak ng Comelec na ipagpaliban ang eleksiyon sa Mayo 9.

(Leonel Abasola)