Tinatayang aabot sa 200 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na tumupok sa isang residential area sa San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon kay Supt. Crispulo Diaz, ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong 8:10 ng umaga sa Onyx Street sa kanto ng Zobel Roxas Street, malapit sa Holy Family Church sa San Andres.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil karamihan sa bahay na natupok ay gawa sa light materials.

Nahirapan ding pumasok ang mga bombero sa pinangyarihan ng sunog dahil sa maliliit na eskinita sa lugar.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Idineklara ang Task Force Alpha sa sunog, na idineklarang under control dakong 10:40 ng umaga.

Sa inisyal na impormasyon, ilegal na koneksiyon ng kuryente ang sanhi ng sunog, bagamat kinukumpirma pa ito.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente. (MARY ANN SANTIAGO)