Iminungkahi ni Speaker Feliciano Belmonte, Jr. nitong Huwebes na magsumite ang lahat ng Cabinet secretary ng ulat hinggil sa kanilang mga nagawa sa loob ng anim na taon habang sila’y nanunungkulan.

Ayon kay Belmonte, ang mga accomplishment report na ito ng Cabinet ay magsisilbing impormasyon sa mamamayan at gabay para sa mga susunod na pinuno ng gobyerno.

“The brief report should also identify problems faced by these Cabinet officials and their departments in implementing plans and programs, as well as recommendations on how these difficulties could be avoided in the future,” paliwanag niya.

Idiin niya na nababanggit lamang ang accomplishments ng ilang Cabinet secretary sa State of the Nation Address (SoNA) ng Pangulo sa isa o dalawang pangungusap.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

“So I’m calling on all department Secretaries to make a report of their six years of tenure as heads of their respective department. They can attune it to the President if they want to, but what we want is something that will be useful for the future, for everybody, and for their successors,” paghihimok ng Speaker. (Bert de Guzman)