Ang pagtatayo ng mga bagong gusali, ng mga hindi sementadong daan, at ang buga ng usok ng mga sasakyan, ang nagpapalala sa polusyon sa Metro Manila.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje, tinatayang 80 porsiyento ng air pollution sa bansa ay nagmumula sa mobile sources. Samantala, 20-30 porsiyento ng pollutants ay nagmumula sa lugar o stationary sources, gaya ng mga industriya, open burning at iba pang aktibidad sa kabahayan.

Sinabi ng DENR na ang alikabok mula sa konstruksiyon ng mga gusali malapit sa mga kalsada, alikabok mula sa mga hindi sementadong daan, at ang dumaming sasakyan sa Metro Manila ang nagbunsod sa pagtaas ng antas ng polusyon sa metropolis.

Inihayag ng Land Transportation Office na sa tala noong Enero 2014, mayroong halos 7.7 milyong behikulo sa buong bansa, at 2.1 milyon dito ay nasa Metro Manila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunman, sinabi ni Paje na ang monitoring sa kalidad ng hangin sa Metro Manila ay naging “very effective” dahil lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay may sariling monitoring station.

“We can now compare the air quality in various areas in Metro Manila,” dagdag ni Paje.

Binanggit ni Paje na noong 2010, ang total suspended particulate (RSP) ay nasa 166 micrograms per normal cubic meter at nanatili ito sa 120-130 micrograms per normal cubic meter nang mga sumunod na taon.

Ang TSP ay ang pinakamaliit na airborne particles gaya ng alikabok, singaw, at usok na may lawak na hindi aabot sa 100 micrometers.

“In 2015, we have recorded 101 micrograms per normal cubic meter. This is the lowest we have recorded,” sinabi ng DENR chief kasabay ng pagpapahayag ng pag-asa na “we are not far from reducing the TSP to 90 micrograms per normal cubic meter, which is the standard level.” (Ellalyn B. De Vera)