BORACAY ISLAND - Nagpahayag ng pagtutol ang pamunuan ng Simbahang Katoliko sa isla ng Boracay, Malay, Aklan, kaugnay ng planong operasyon ng casino.

Ayon kay Fr. Cesar Echegaray, ng Holy Rosary Parish, nakatanggap sila ng impormasyon na inaprubahan na umano ng lokal na pamahalaan ng Malay ang operasyon ng junket casino sa ilang resort sa Boracay.

Ang junket casino ay nagbibigay ng legalidad sa mga banyagang turista na maglaro ng casino sa mga hotel, bagamat mahigpit namang ipinagbabawal sa mga Pilipino.

Sinabi ni Echegaray na pinaplano nilang maglunsad ng signature campaign sa mga taga-Boracay para maharang ang pinaplanong casino.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang lokal na pamahalaan hinggil sa nasabing petisyon. (Jun N. Aguirre)