Marso 10, 1945, nang ilunsad ng mahigit 300 American B-29 bombers ang kanilang mapaminsalang air raid sa Tokyo, Japan, aabot sa 40 kilometro kuwadrado ang naabong ari-arian, at mahigit 100,000 katao ang namatay at isang milyong residente naman ang nawalan ng tirahan. Halos 2,000 toneladang bomba ang ikinalat sa paligid ng nasabing lugar.

Noong umaga ng nasabing petsa, pinaulanan ng napalm at magnesium ang Tokyo na naglalaman ng mga bomba, dahilan upang masunog ang mga residential structure na gawa sa kahoy. At 250,000 gusali naman ang nasira.

Ito ang naging paraan ng United States para sirain ang kasiglahan at piliting pasukuin ang Japan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon kay Tokyo Air Raid and War Damages Resource Center chief researcher Masahiko Yamabe, karamihan sa mga Hapon ay hindi alam ang kabuuang halaga ng pinsala.