Slow, steady, sure.

Ganito inilarawan ng Palasyo ang takbo ng kampanya ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa kabila ng hirap itong maging Number One sa survey ng presidentiables.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Undersecretary Manuel Quezon III na may advantage at disadvantage ang pagiging administration candidate ni Roxas, dahil ang ipriniprisinta niya ay pawang katotohanan, hindi tulad, aniya, ng iba na puro lamang batikos subalit wala namang inilalabas na ebidensiya.

“Mahirap talaga para sa isang kandidato na ilabas ang kanilang plataporma dahil nakapako na sa papel ang paninindigan ng kandidato na ‘yun,” pahayag ni Quezon.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

“Let’s admit that the messaging for Secretary Roxas would be harder dahil ang pinanindigan niya realidad na talagang kailangan mong ipaliwanag. Ngunit mas madali talaga na atakehin lang ito nang atakehin kahit walang ebidensiya o walang basehan. Kaya nga slow, steady but sure ang pag-angat ni Secretary Roxas,” ani Quezon.

Sa huling survey sa mga presidentiable ng Pulse Asia, lumitaw na pang-apat lamang ang ipinuwesto ni Roxas sa tala, matapos silang mag-tie sa ikatlong puwesto ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, dahil kapwa sila umani ng 21 porsiyento.

Nagigitgitan naman sa una at ikalawang puwesto sina Sen. Grace Poe, na nakakuha ng 26 na porsiyento, at Vice President Jejomar C. Binay na may 25 porsiyento.

Ibinandera rin ni Quezon na si Roxas ang tanging kandidato na ipinaiiral ang transparency sa mata ng publiko.

(Madel Sabater-Namit)