Lalong pinayaman ang social studies curriculum sa ilalim ng Kto12 program sa malalim na diskusyon sa kasaysayan ng Pilipinas, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa isang pahayag, partikular na binanggit ng DepEd na ang mga diskusyon sa rehimen ng martial law, mahalagang kabanata sa kasaysayan ng Pilipinas, ay pinalalim sa pamamagitan ng komprehensibong curriculum guides para sa Araling Panlipunan (Social Studies) sa Grade 5 at 6.

Nangangako ito na patuloy na bibigyang diin ang kahalagahan ng mga natutunang aral ng kasaysayan at pagpipreserba sa mga natamo ng demokrasya.

“We shall continue to enable our learners to remember and understand the country’s history and the impact of martial law to the lives of Filipinos today,” pahayag ng DepEd. (PNA)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador