Pararangalan ngayon ng Eulogio Rodriguez Jr. High School Alumni (ERJHS) Sports Club ang 11 natatanging alumni-athletes sa k auna-unahang Alumni Sports Hall of Fame sa ERJHS grounds sa Mayon Ave., Quezon City.
Pangungunahan nina Winter Olympics veteran Mar de Guzman ng Batch 72 at basketball star Leo Avenido ng Batch 95 ang Hall of Fame awardees na masusing pinili ng ERJHS Alumni Sports screening committee, na kinabibilangan nina basketball coach at Barangay St. Peter chairman Rene Baena, alumni officer Arsenia Castor at People’s Tonight sports editor Ed Andaya.
Kabilang si De Guzman sa tatlong student-athlete na napiling kumatawan sa Pilipinas sa 11th Winter Olympics nitong Enero 29-Feb.12 sa Sapporo, Japan, habang si Avenido ay isa nang pro basketball player sa Kia Motors sa PBA at iba pang mga koponan sa Asian Basketball League (ABL) at Liga Pilipinas. Naging miyembro rin siya ng Far Eastern University sa UAAP.
Ang iba pang mga pararangalan ay sina Ramon Sabalboro ng Batch 76 (darts), Manuel Septimo ng Batch 78 (athletics), Ed Navarro ng Batch 78 (kendo), Angelo Young ng Batch 79 (chess), Roland Doncillo ng Batch 81 (shooting), Joseph Realista ng Batch 85 (basketball), Roberto Ferrera ng Batch 86 (bowling), Belinda Baluyut ng Batch 88 (badminton), at Ananias “Jun” Abriza, Jr. ng Batch 91 (taekwondo).
Ang ERJHS volleyball team, namayani sa East Asia Invitational volleyball tournament noong 1979 ay bibigyan din ng kaukulang karangalan.
Binubuo ang koponan nina coach Dulce Pante at mga players na sina Rica Alonsagay, Pablo Mananghaya, Gilbert Ortega, Boyet Iyas, Ricardo Malla, Reynaldo Lucas, Romeo Macalade, Orly Millora, Rizalito del Moro, Philip Punla, Manuel de Guzman, Lito Casem, Danilo Valdez at Pol Castelo.
Bibigyan din ng pagpupugay ang 25 natatanging dating scout na pawang matagumpay na sa kanilang mga karera at pamilya tulad nina Philippine Navy Captain Albert Mogol, Arthur Castillo, Emmanuel Castor , Reynan Apina, at Oliric Lacsamana.
Ang iba pa ay sina Eduardo Apina, Eduardo Masangcay, Edgardo Macaraeg, Ricardo Santiago, Fe Esperanza Pangan, Alice Siojo, Schubert Quilinquin, Toribio Obligation, Lourdes Apina, Alfredo Garcia Jr., Raymond Dizon, Richie Macatangay, Joniefe Saniel, Richelle Lynne Cu, Robee Brooks, Shirley Ang, Rudolph Caluag, Mary Grace Enriquez, Lady Jane Amorin, Reny Bascos, Romylyn P. Fajardo at Jennilyn Marzan.