Isa sa mga akusado sa Maguindanao massacre case ang naghain ng extremely urgent motion for medical examination sa isang korte sa Quezon City dahil sa hypertension at microvascular coronary disease.

Sa apat na pahinang urgent motion, humiling si dating Governor Zaldy Ampatuan ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) kay Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221, na pahintulutan siyang sumailalim sa medical/laboratory examinations sa Philippine Heart Center sa Marso 4, 2016 o sa anumang araw sa ikalawang linggo ng buwang ito.

Ang Quezon City Annex Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, na roon kasalukuyang nakadetine si Ampatuan, ay walang laboratory para sa nasabing medical tests.

Binanggit ng kampo ni Ampatuan na ang ospital malapit sa kampo ay walang medical equipment na kinakailangan para sa mga pagsusuri ng akusado.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi ni Heffron Esguerra Dy De Jesus & Chico (HED) Law Offices, abogado ng akusado, na kapag pinagbigyan ang mosyon ni Ampatuan, nangangako itong susunod sa anumang logistic, security o iba pang administrative measures na maaaring ipataw para sa pagpapadali at pagbabantay sa isasagawang medical at laboratory tests.

Noong Hunyo 23, 2015 at Hulyo 2, 2015, sumailalim si Ampatuan sa medical examinations sa Philippine Heart Center sa Quezon City sa rekomendasyon ng roving medical officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na si Dr. Jaime Claveria.

Lumabas sa test results ng akusado na mayroon siyang normal cardiovascular status, hypertension (treated, controlled) diabetes mellitus (uncontrolled) at slight heart enlargement of about 0.3 centimeter batay sa comparative study ng 2-D Echo results noong 2011 at 2015. (Chito A. Chavez)