BORACAY ISLAND, Aklan – Ikinokonsidera ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Aklan na high-risk ang bulubunduking bahagi ng isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Ayon kay acting Provincial Fire Marshal Patricio Collado, ang pagkukonsiderang high risk ay panimula ng kampanya ng ahensiya kaugnay ng Fire Prevention Month ngayong Marso.

Sa kasalukuyan, aniya, halos puno na ng mga boarding house at hotel ang bulubunduking bahagi ng Boracay, gaya ng Talipapa at Sitio Hagdan.

Dahil dito, pag-aaralan ng BFP kung paano masosolusyunan ang dikit-dikit na imprastruktura sa isla.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Collado, dalawang malaking insidente ng sunog ang naitala sa Boracay noong 2015, at parehong nangyari sa hilera ng establisimyento sa bulubunduking bahagi ng isla. (Jun N. Aguirre)