HALOS mahigit isang linggo nang pumutok ang balitang ito. Ang tungkol sa libu-libong overseas Filipino worker (OFW) na tinanggal at tatanggalin pa sa kanilang trabaho sa Middle East. Ang dahilan umano nito ay ang patuloy na pagbulusok ng presyo ng gasolina, diesel, at iba pang produktong petrolyo.

Sa balitang ito, hindi lamang mga apektadong OFW ang dinapuan at dinadapuan ng nerbiyos kundi maging ang kanilang mga pamilya sa ‘Pinas na umaasa sa kanila. Paano na ang magiging buhay nila? Paano na ang kanilang maluhong pamumuhay? Paano na ang mga hinuhulugang house and lot? Paano ang pag-aaral ng kanilang mga anak? At higit sa lahat, paano na ang ating gobyerno?

Hindi ba’t ang tawag nila sa ating mga OFW ay mga “bagong bayani” sapagkat ito ang naghahatid ng malaking halaga para sa pag-unlad umano ng ating ekonomiya? Mga bayani na kapag dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sinasalubong ng mga kawatan at tanim-bala gang. Kung mangangatanggal ang maraming OFW, kakaunti na ang makukurakot ng mga masisiba sa gobyerno at mga pulitiko. Kaya, maraming maaapektuhan.

Sinasabi ng administrasyong Aquino na maraming trabahong naghihintay sa mga matatanggal na trabahador sa Middle East sa ating kahabag-habag na bansa. Na hindi umano sila dapat matakot sapagkat nakahanda ang “Tuwid na Daan” para sila’y bigyan ng mapapasukan. Pero ang pahayag na ito ng gobyerno ay hindi pinaniniwalaan ng marami. Ang turing nila sa pahayag na ito ng gobyerno ay BOLA. Isinasakay lamang ang mga maaapektuhang OFW sa tsubibo at paiikutin hanggang sa mangahilo. Tapos na talaga ang maliligayang araw ng mga OFW.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Lugmok na ang presyo ng crude oil at dahil sa tinatawag na mga mapagkukunan ng alternatibong enerhiya at mahirap na itong umangat pang muli. Mayroon na ngayong tinatawag na mga solar panel at windmills. At kung maghihingalo na talaga ang presyo ng langis, wala nang salaping aakyat sa mga bansang ito kaya hindi na sila makapagpapagawa ng kung anu-ano? Kaya aanhin pa nila ang mga OFW?

Pero ang malungkot nga ay pinaaasa pa ni Mr. “Tuwid na Daan” ang mga apektadong OFW. Kesyo marami raw naghihintay na trabaho para sa kanila. Sa kasalukuyan, aabot sa 9.1 milyong Pilipino ang nakatunganga ngayon dahil walang mapasukan.

Panahon ngayon ng pulitika, pero sana ay huwag naman nating paikutin pa ang mga OFW na malungkot na magbabalik sa ating bansa. (ROD SALANDANAN)