Magdamagan na ang supply ng tubig sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City na pakikinabangan ng libu-libong inmate roon.

Ito ay matapos pirmahan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Maynilad Water Services, Inc. ang memorandum of agreement (MOA) sa paglalatag ng linya ng tubig sa NBP.

Aabot sa 20,000 indibiduwal ang kasalukuyang nasa NBP Compound na kinatitirikan din ng prison facility at residential community ng mga empleyado ng BuCor.

Nabatid na sa kasalukuyan, apat na oras kada araw lang ang supply ng tubig mula sa deep well sa lugar.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ilalim ng kasunduan, maglalatag ang Maynilad ng 10-kilometrong pipeline na maghahatid ng malinis na tubig sa katimugang bahagi ng Muntinlupa, kaya nadagdagan pa ng 50,000 ang customer sa lungsod, partikular mula sa NHA-Southville 3 at Victoria Homes.

Una nang tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na delikado ang Muntinlupa sa pagguho ng lupa dulot ng “over-extraction of groundwater” sa siyudad. (Bella Gamotea)