Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon na manatili sa puwesto si Antique Governor Exequiel Javier.

Ito ay makaraang ibasura ng Kataas-taasang Hukuman ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ng mga private respondent sa petisyong inihain ni Javier laban sa kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na patalsikin siya sa puwesto matapos mapatunayang guilty sa isang election offense.

Ayon sa Comelec, nilabag ni Javier ang Omnibus Election Code nang iutos niya ang pagsuspinde kay Valderrama Mayor Mary Joyce Roquero noong eleksiyon ng 2013.

Mahigpit kasing ipinagbabawal ng Omnibus Election Code ang pagsuspinde sa alinmang halal na opisyal sa loob ng election period nang walang pagsang-ayon ng Comelec, maliban na lang kung ang suspensiyon ay nag-ugat sa katiwalian.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Pero sa naunang desisyon ng Korte Suprema, nakagawa umano ng grave abuse of discretion ang Comelec dahil hindi naman naabot ng Comelec ang majority vote sa kaso. (Beth Camia)