TORONTO (Thomson Reuters Foundation)—Itinataboy ng climate change ang mga isda patungo sa North at South pole ng planeta, napagkakaitan ang mahihirap na bansang malapit sa Equator ng mahahalagang likas na yaman, sinabi ng mga U.S. biologist sa isang pag-aaral na inilathala nitong Miyerkules.

Sa pag-init ng temperatura sa daigdig, lumilipat ang mga isda palayo sa mga lugar na katamtaman ang klima at patungo sa mga pole, ayon sa research team mula sa Rutgers University, Princeton University, Yale University at Arizona State University.

Ang migration patterns ng mga isda, isang mahalagang pinagkukunan ng pagkain para sa milyun-milyong tao, ay posibleng lalong magpalala sa hindi pantay na kalagayan ng mayayaman at mahihirap, ayon sa kanila.

Ang mas mayayamang lugar sa mundo ay ‘tila nasa mas malalamig na rehiyon na malapit sa mga pole.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Natural resources like fish are being pushed around by climate change, and that changes who gets access to them,” paliwanag ni Malin Pinsky, isa sa mga may-akda ng pag-aaral at marine biologist, sa isang pahayag.

Gumamit ang pag-aaral, inilathala nitong Miyerkules sa journal na “Nature Climate Change,” ng data sa fish migration patterns at mathematical formula na sumusubaybay sa galaw ng mga likas na yaman at pagbabago sa kayamanan.