CALACA, Batangas – Dalawang araw nang suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Calaca dahil sa hindi pa tuluyang naaapula ang sunog sa depot ng liquefied petroleum gas (LPG) sa compound ng Phoenix Petroterminal Industrial Park, sa Barangay Salong.

Ayon kay Mayor Sofronio Manuel Ona, hinihintay na lang na maubos ang laman sa mga tangke para tuluyan nang tumigil ang apoy at kontrolado na umano ito.

Sa huling update kahapon ng umaga, sa apat na tangke ay naubos na ang laman ng tatlo habang kinokontrol pa ng mga bombero ang isang tangke gamit ang spraying foam.

Nananatili pa rin ang mga residente sa mga evacuation center.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hindi pa rin malinaw sa imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng apoy. (Lyka Manalo)