Humupa na ang epekto ng El Niño phenomenon sa Pilipinas, ngunit magpapatuloy ang tagtuyot sa malaking bahagi ng bansa, iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, nalagpasan na ng bansa ang sukdulan ng matinding El Niño mula noong huling bahagi ng 2015 hanggang nitong Enero.
Ang El Niño phenomenon ay nangangahulugan ng matinding pag-init ng temperatura ng dagat at mas kakaunti at madalang na ulan sa mga apektadong lugar.
Gayunman, nagbabala ang ahensiya na lulubha pa ang kakulangan ng tubig sa pagpasok ng tag-araw sa mga susunod na linggo.
Inaasahan na patuloy na makararanas ng tagtuyot ang mga lalawigan ng Laguna, Mindoro Occidental at Oriental, Albay, Aklan, Antique, Guimaras at North Cotabato, pati ang Quezon, Camarines Norte, Northern Samar at Samar provinces. (Jun Fabon)