Tiniyak ng pulisya ang seguridad ng presidentiables, kanilang mga tagasuporta, at bisita na dadalo sa “PiliPinas Debates 2016”, na gaganapin ngayong araw (Pebrero 21), sa Capitol University sa Cagayan De Oro City.

Nagtalaga ng apat na platoon ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para tiyakin ang seguridad ng unang presidential debate para sa halalan 2016.

Sinabi ni Police Supt. Gervacio Balmaceda, tagapagsalita ng Misamis Oriental Provincial Police Office, na tig-iisang platoon mula sa Regional Public Safety Batallion, Cagayan de Oro City Police Office at 4th ID Philippine Army ang ikakalat upang matiyak ang pangkalahatang seguridad ng aktibidad na magsisimua 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Ayon kay Balmaceda, iba’t ibang security approach ang kanilang ipatutupad mula sa Laguindingan Airport hanggang sa mga hotel na tutuluyan ng mga kalahok.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Hiimok naman ni Comelec Chairman Andres Bautista ang mga botante na huwag palampasin ang debate, na kanilang inabala katuwang ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). (Fer Taboy)