MIGUEL copy

MALUNGKOT ang Valentine’s Day ni Miguel Tanfelix.

“Hindi po kasi kami magkasama ni Bianca (Umali) noong Sunday,” sagot ni Miguel nang tanungin namin. “May mall show po kasi ako sa Calasiao, Pangasinan at hindi rin kami nagkita dahil nakabalik ako ng Manila, 1:00 AM na, tapos na ang Valentine’s Day. Mabuti na lang, naibigay ko na sa kanya noong taping namin ng Wish I May no’ng Friday ang book na gift ko sa kanya. Alam ko pong gusto niya iyong Bazaar of Bad Dreams ni Stephen King kaya iyon ang ibinigay ko sa kanya.”

Nanliligaw na ba siya sa kanyang leading lady?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Hindi po, talagang very close lang kami talaga dahil simula nang pagtambalin kami sa Mga Basang Sisiw, nagkasunud-sunod na ang projects namin. Focus lang po kami sa work lalo pa at mga bata pa naman kami. She will only turn 16 on March 2 at ako naman will turn 18 on September 21. Saka pareho po kaming nag-aaral.”

Natawa kami sa sagot ni Miguel nang tanungin namin kung ano ang gagawin niya kung may ibang manligaw kay Bianca, at maunahan siya. Para kasing sure na sure siya at alam daw niyang hindi iyon papayagan na mangyari ni Bianca.

“Mahirap din po kasi kung magkaroon kami ng relasyon ‘tapos magkasama kaming magtrabaho, tiyak pong maaapektuhan ang trabaho namin kung may misunderstanding kami, kaya tama na po lamang na ganito, we’re very comfortable naman working with each other.”

Kahit hindi nanalo sa Starstruck Kids noong almost six years old pa lamang si Miguel, nakitaan na siya ng kahusayan sa pagganap, kaya siya lang sa mga kasabayan niya ang nakilala at nabigyan agad ng lead role.

Bakit kaya siya lang?

“Siguro po dahil naghintay ako, trust in God at sa GMA Network, hindi po nila ako pinabayaan. Sa ngayon po naka-contract ako for five years sa GMA.”

Nasa fourth week pa lamang sa ere ang afternoon prime nila at marami pa raw ang magaganap sa character niya as Christian o Tan Tan at ni Bianca as Carina. Sa pagsisimula pa lamang nila, naka-schedule na raw ang Wish I May for one year showing. Ipinagdarasal ng buong cast at ng director nilang si Neal del Rosario na matupad iyon.

(Nora Calderon)