Maipatutupad na ang unang tranche ng dagdag-sahod sa mga kawani ng gobyerno matapos lagdaan ni Pangulong Aquino kahapon ng umaga ang Executive Order (EO) No. 201 o ang Salary Standardization Law (SSL) 4.

Nilagdaan ng Pangulo ang nasabing EO pagdating niya sa bansa mula sa pagdalo sa US-ASEAN Leaders’ Summit sa California sa Amerika kahapon ng umaga.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., nilagdaan ni Pangulo Aquino ang E.O (Modifying the Salary Schedule for Civilian Government Personnel and Authorizing the Grant of Additional Benefits for both Civilian and Military and Uniformed Personnel) na magbibigay ng awtoridad sa ehekutibo para ipatupad ang unang tranche ng SSL4, na pinaglaanan ng pondo sa ilalim ng 2016 General Appropriations Act (GAA).

Sa 2016 GAA, naglaan ang gobyerno ng P57.9 bilyon para maipagkaloob ang una sa apat na tranche (2016-2019) ng umento para sa mga kawani ng gobyerno.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Nilinaw naman ni Coloma na hindi kasama ang mga government-owned and controlled corporation (GOCC) sa dadagdagan ng sahod.

Matatandaang nabigo ang bicameral conference panel ng Kongreso na maipasa ang SSL4 bago nag-adjourn nitong Pebrero 3, ngunit dahil sa EO na pirmado ng Pangulo, maipatutupad ang unang bahagi ng dagdag-sahod ngayong taon. (Beth Camia)