Namigay si Manila Mayor Joseph Estrada ng kalahating milyong pisong pabuya sa mga topnotcher sa Nurse Licensure Examination noong Nobyembre.

Binigyan ni Estrada ng P200,000 ang topnotcher na si Suha Canlas Hassan Magdy Mohammed Ibrahim, at P100,000 naman sa bawat isa kina Nicole Bautista, na nasa 10th place sa board exams; at Mark Angelo Balisa Echano, Pascual Valencia Fortaleza, Jr., at Jhun Clydin Agtarap Guillermo, pawang nasa ninth place.

Ang mga topnotcher ay pawang nagtapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), na sa ikatlong pagkakataon ay nanguna sa nursing board exams.

Ang batch ni Suha ay nagtala ng 97.44 na porsiyentong passing rate, na mas mataas kaysa national passing rate na 49.26%, ayon sa mayor’s office.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nanguna si Suha sa 18,500 examinees sa buong mundo nang tumanggap siya ng score na 86.40%.

Nanguna rin ang mga PLM nursing graduates sa board examinations noong 2013 at 2014. (Jenny F. Manongdo)