Dapat isaalang-alang ng mga botante ang kakayahan ng mga kandidato sa kanilang pagpili ng susunod na lider ng bansa.

Ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Chairperson Henrietta De Villa, nararapat na maging angkop ang taglay na kakayahan at karanasan ng mga kandidato sa posisyon na kanilang inaasinta sa pamahalaan upang matiyak na magagampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin.

“Kasi hindi naman natin puwedeng iboto or piliin ang isang tao na walang kaalaman sa paggagawa ng batas o pagsusuri ng batas kung anong batas ang kailangang isulat kung wala siyang kakayahan dun, hindi siya puwedeng maging kongresista o senador, hindi ba?” paliwanag ni De Villa.

“Kailangan ipapantay natin yung kanyang kaalaman, yung kanyang talino at yung kanyang mga experiences dun sa public service, public service para dun sa puwestong hinahangad niya, kasi sayang naman po kung aaksayahin lang niya ang tatlong taon o anim na taon sa pag-aaral doon sa kung saan siya nahalalal, sayang ang panahon niya, sayang ang panahon natin, kawawa ang bayan at sayang ang ibinabayad sa kanya, kaya isipin natin itong maigi yung kakayahan ng kandidato,” dagdag niya. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji