Matapos ang matagumpay na pagdaraos ng Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet 2016 sa Bulacan kamakailan, muling sentro ng aktibong tagisan ng husay at galing ang lalawigan sa gaganaping Private Schools Athletics Association Regional (PRISAA) Meet sa La Consolacion University Philippines (LCUP) Kalinangan Gymnasium sa Malolos City.

Mahigit 40 paaralan sa sekondarya at kolehiyo mula sa Gitnang Luzon ang maglaban-laban sa iba’t ibang kategorya kabilang na ang athletics, baseball, basketball, badminton, boxing, chess, lawn tennis, sepak takraw, gymnastics, track and field, golf, table tennis, taekwondo, swimming, football, judo, cycling at volleyball.

Layunin ng PRISAA na patuloy na madiskubre ang potensiyal ng bawat kabataang atleta na maaaring maging kinatawan sa palakasan sa buong Pilipinas pati na rin sa buong mundo.

Tiniyak naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa mga lugar kung saan gaganapin ang nasabing palaro hanggang sa pagtatapos nito sa Pebrero 21, 2016.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

“Nakipag-coordinate na tayo sa ating pulisya, sa Bulacan Rescue para handa tayo sa lahat ng pagkakataon. Inaasahan natin na magiging mabunga ang palarong ito para sa mga kabataan,” pahayag ni Alvarado.

Sinimulan ang mga palaro sa LCUP, Bulacan Sports Complex, Robinsons Place Malolos at City Walk Sports Center at ang mga magwawagi ang kakatawan sa rehiyon sa PRISAA National Collegiate Games sa Abril.