NAKALULUNGKOT din naman ang nangyayari kay Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach. Pagkatapos abutin ang suwerte, inapuntahan naman ng malas.

Hindi ba’t ganito ang nangyari sa kanya? Nang ipahayag sa gabi ng parangal na ang nanalo ay si Miss Colombia, dalawang minuto lang ay nagbalik na sa stage si Steve Harvey at binawi ang una niyang anunsiyo dahil si Miss Pia Wurtzbach ang tunay na wagi. Mantakin mong suwerte iyan, katatalo lang, nanalo na.

Matapos ang ilang gawain bilang Miss Universe 2015, dumating si Wurtzbach sa bansa at sinalubong ng sankaterbang nagbubunying kababayan. Dala-dalawa ang karosang sinakyan.

Nang magbigay-pugay kay Pangulong Aquino ay panay puri sa kanya ng Pangulo at nagpasalamat siya sa karangalang ibinigay ng dalaga sa ating bansa. Nang magtungo naman si Wurtzbach sa tanggapan ni Mayor Erap ay halos sumambulat ang pananabik ng mga nasa Manila City Hall. Nang dumalaw sa Kongreso ay halos naroon ang lahat ng mga Kongresista kahit na iyong bihirang-bihirang lumitaw sa mga sesyon. Kaya tuwang-tuwa ang napakagandang Miss Universe.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ngunit talaga yatang kapag sobra na ang suwerte mo ay may darating na kamalasan. Na sa bawat istorya, sa telebisyon man o sa pelikula ay laging mayroong kontrabida. At sa pagkakataong ito, ang KONTRABIDA ay si BIR Commissioner Kim Henares. Sabi ni Henares: “Hindi libre sa buwis si Miss Universe, piryod!”

Kahit na nag-aprub na ng resolusyon ang Kamara na libre si Miss Wurtzbach sa buwis ay hindi sila pumuwede kay Henares. “No puwede,” sabi nito! Idiniin ni Henares na patuloy na magbabayad si Miss U. ng buwis sa pamahalaan sa lahat ng kanyang mga kinita bilang Miss Universe at hanggat hindi napagtitibay ang batas na exempted ito sa tax ay magbabayad ito. Iyan ang siga, iyan si Ms. Henares.

Sa mga nakalipas na araw o linggo ay napagtibay na sa Kongreso sa ilalim ng Ways ang Means committee na libre na sa buwis ang “Pinakamagandang Hayop sa Daigdig”, pero hindi pumayag ang pinakamahigpit na nilalang sa balat ng Pilipinas. Sa BIR, walang libre. Siguro, ang katwiran ni Ms. Henares, kung iyong mga tagahalo lamang ng simento sa construction, pinabubuwisan ko, e, siya pa? Ano siya sinusuwerte?”

Pero hindi basta-basta karangalan ang iniuwi ni Ms. Wurtzbach sa bansa. Wala kayang halaga iyon kay Miss Henares? O, dahil siguro wala siyang pag-asang maging Miss Universe o maging Miss Talipapa manlang? (ROD SALANDANAN)