Gerald Anderson

Ni ADOR SALUTA

SINA Gerald Anderson at Arci Muñoz ang bagong tambalan na pinagsama ng Star Cinema sa Always Be My Maybe ni Direk Dan Villegas na ipalalabas sa February 24.

Sa presscon ng pelikula sa Dolphy Theater umamin si Gerald na loveless siya sa kasalukuyan. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero, hindi raw dahilan iyon para pormahan niya ang maganda’t seksing aktres na si Arci. Sey ni Gerald, natuto na siya sa mga nakaraang relasyon (with Kim Chiu at Maja Salvador) na inakala niyang mauuwi sa pangmatagalan pero iyon pala’y sa wala.

Kaya maingat na siya this time, hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa sunod na magiging karelasyon niya.

“Isa sa natutunan ko is ‘yung huwag kayong pumasok sa isang relationship kung hindi talaga kayo ready because ‘yung feelings ng ibang tao sobrang importante talaga. And do’n mo malalaman ‘pag wala na. Mas masakit talaga.

“Realizing your faults, ‘yung shortcomings mo and try to do your best next time. Kasi ‘pag hindi kayo handa, mahirap ‘yan para sa ‘yo at para sa partner mo. Mawawalan din siya,” paliwanag ng aktor.

May bagong insights sa relationship si Gerald na ang feeling ay nagre-retreat habang ginagawa ang Always Be My Maybe.

“Feeling ko nga hindi movie itong ginawa namin, eh. Parang naging retreat para sa akin. Alam mo ‘yung parang, ‘Wow, ‘yung una ‘dini-denay ko pa na hindi, hindi naman ako ‘yung ganu’n kalala. Hindi, hindi naman ako ‘yon. Pero habang sinu-shoot namin, ginagawa namin ‘yung mga eksena, parang gusto kong kausapin ‘yung mga writers at itanong na ako ba ‘yung peg n’yo dito?” sabay tawa. 

“But, yeah, sobrang amazing experience, ang dami kong... lagi kong sinasabi sa mga ginawa kong movies na ang dami kong natututunan, but dito sa movie na ito ‘yung life-changing. Ito ‘yung talagang... well, sa dami kong pinagdaanan, ang dami ko ring na-realize dito sa movie. Lahat ng mga lalaki sa generation ko ngayon, and parang ang tanda ko na kasi ako na ‘yung nagbibigay ng advice sa mga kaibigan ko.”

Ano ang kanyang advices sa friends niya?

“Guys, huwag munang ganyan kasi pagsisisihan mo din. Trust me napagdaanan ko ‘yan, sabi ko sa kanila.”

Hindi pa siya handa sa isang panibagong relasyon.

“Parang... actually, isa ‘yan sa natutunan ko sa film na ito, na kailangan mo talagang mag-commit. You have to be ready for that. Sa process, under construction pa ako. Masaya ako now, sobra. I’m at peace. At ‘yon naman ang importante lalo na kung nagkamali ka at may kasalanan ka ‘tapos aaminin mo. ‘Yon ang pinakaimportante, eh, being at peace and forgiving yourself,” ani Gerald.