Ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia ang posibilidad para sa one-on-one chess match sa pagitan nina Grandmasters Anatoly Karpov at Eugene Torre.

Ang naturang duwelo ang isa sa tinitingnan para simulan ang ugnayan ng Pilipinas at Russia para sa matibay na programa at “sports exchange” ng dalawang bansa.

Mismong si Russia ambassador to the Philippines Igor Anatolyevich Khovaev ang nagmungkahi sa naturang duwelo.

“Marami siyang suggestions. As a matter a fact, he said maybe we should have Karpov and Eugene Torre together in a promotional event,” sambit ni Garcia.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tinanghal na kampeon si Karpov, 64, mula 1975 hanggang 1985.

Ngunit, nagawa siyang talunin ni Torre, 64, ang kauna-unahang Asian na naging GM, sa four-man Chess Championship a Manila noong 1976 na kinabibilangan din nina GM Ljubomir Ljubojevic ng Yugoslavia at American GM Walter Shawn Browne.

Kamakailan, naluklok si Torre sa second batch ng Philippine Hall-of-Fame.