Sa pag-arangkada ng kampanya para sa mga pambansang kandidato sa halalan sa Mayo 9, umapela ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na gawing mapayapa ang kampanya at iwasan ang pagbabatuhan ng putik.

“Magpakatao ka! Makipagkapwa tao ka! Magkampanya ka ng wasto! Give due dignity to your person by conducting daily examination of conscience to realize that you were made in the image and likeness of God,” paalala ni PPCRV National Chairperson Henrietta de Villa sa mga kandidato.

Umapela rin siya na walang buhay na dapat masira at masayang sa kampanya, at protektahan ang mga puno at mga halaman, gayundin ang kapaligiran.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Aniya pa, dapat bigyan ng dignidad ang mga botante sa pamamagitan ng isang malinis, marangal, may pananagutan, makahulugan, at mapayapang kampanya. (Mary Ann Santiago)