Isang malamig na pagdiriwang ng Chinese New Year ang sumalubong sa mga residente ng Metro Manila nitong Lunes sa pagbagsak ng temperatura sa pinakamababa ngayong taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Naitala ang temperature reading na 19.4 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden monitoring station sa Quezon City dakong 6:20 ng umaga kahapon.

Nalagpasan ng huling naitalang minimum air temperature ang naunang pinakamababa ngayong panahon ng amihan sa Metro Manila na 19.6 degrees Celsius, nitong Disyembre 29, 2015.

Batay sa datos ng PAGASA, ang pinakamalamig na araw sa kasaysayan ng Metro Manila ay dalawang beses na nairehistro noong Pebrero 4, 1987 at Disyembre 30, 1988, sa 15.1 degrees Celsius.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Iniugnay ng PAGASA ang malamig na panahon kahapon sa umiiral na northeast monsoon o amihan na nakaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon. Apektado ng tail-end ng cold front ang Bicol Region. - Ellalyn De Vera