Ni BETH CAMIA

Walang dapat baguhin sa Konstitusyon at hindi na kailangan ang Charter Change.

Ito ang pinanindigan ng Malacañang kasunod ng pahayag ni Sen. Bongbong Marcos na susuportahan niya ang Cha-cha sa susunod na administrasyon.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, na malinaw ang posisyon ng Pangulong Benigno Aquino III na hindi kailangang baguhin ang Konstitusyon para lamang mapaunlad ang ekonomiya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon kay Coloma, napatunayan naman na kayang mapalago ang ekonomiya sa pinakamataas na antas sa pamamagitan ng mabuting pamamahala.

Kinontra ng Pangulong Aquino ang ilang beses nang pagtatangka ng Kamara at Senado para isulong ang Cha-cha partikular sa economic provision nito, na hadlang umano sa pagpasok o mas malawak na partisipasyon ng foreign investors sa bansa.