IDINAAN na lang sa buntong-hininga ng ilang staff ng isang programa ang reklamo ng ilang member ng entertainment press tungkol sa kaanak ng aktor na kasama nito sa isang event dahil hindi raw magawang pagsabihan kasi nahihiya sila.

Sa isang event show ay kasama ng aktor ang ilang kaanak, para siguro masaksihan siya, at dahil proud ang mga kaanak ay sumobra masyado ang ingay kaya hindi na halos maintindihan ng dumalong entertainment press ang pinag-uusapan at nangyayari dahil boses ng mga kaanak ang nangingibabaw.

Sinabihan ng mataray na entertainment columnist ang staff ng programa na baka puwedeng pagsabihan ang mga kaanak na nakakagulo, pero napa-smile at napabuntong-hininga na lang ito.

Maging ang ilang taong kasama ng mga kaanak ng aktor ay hindi rin makapagsalita at hinahayaan na lang na mag-ingay ang mga ito kahit pinagtitinginan na sila.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

“Ganyan ba talaga sila?” sabi ng mataray na entertainment columnist. “Well, it shows talaga!” 

Hindi na itinuloy ng mataray na columnist kung ano ang gusto pa niyang sabihin. Pero nagkaintindihan at nagkatawanan ang mga katoto.

Anyway, hindi kasi namin napansin ang mga kaanak ng aktor na maingay at nakakagulo dahil malayo kami sa lugar, pero napapansin namin na parang nagpa-fashion show nga ang mga kaanak na lakad dito, lakad doon ang ginagawa.

Sana, sa mga artistang gustong magsama ng mga kamag-anak o kaibigan sa isang event, pagsabihan na huwag naman silang mag-ingay o gumawa ng eksena dahil hindi naman sila ang may pa-event at nakakaapekto iyon sa image ng artistang nagsama sa kanila. (Reggee Bonoan)