Patay ang tatlong katao habang malubha naman ang pitong iba pa makaraang banggain ng isang pampasaherong van ang isang tricycle sa General Santos City, South Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Nabatid sa pagsisiyasat ng General Santos City Police Office (GSCPO) na nangyari insidente dakong 7:00 ng umaga matapos na madulas at biglang magpaikot-ikot ang isang pampasaherong van hanggang sumalpok ito sa isang tricycle.

Nasawi sina Alfonso Benitez, Jaime Pendehito, at Ryan Bedano, habang kritikal naman sina Ryan Gentica, John Phillip Abatayo, Leonida Villanueva, Jr., Rodolfo Barbo, at tatlong hindi pa nakikilala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Agad namang sumuko sa Traffic Management Unit ang driver ng van na kinilala sa pangalang Balong.

Iginiit ni Balong na nadulas ang minamaneho niyang van kaya nangyari ang sakuna.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang driver ng van, na nakakulong na ngayon sa himpilan ng pulisya. (Fer Taboy)