JESSY copy copy

AS of yesterday, umabot na sa 23,700 likes ang picture ni Jessy Mendiola na naka-Darna costume. Sa simula pa lang, may disclaimer na ang aktres sa ipinost niyang picture sa Instagram.

Sabi niya: “Ito ay pawang katatawanan lamang, trabaho lang po. Walang personalan. Masaya na ‘ko kasi nabigyan ako ng pagkakataon masuot ang costume ni Darna. Kahit spoof lang. Thank you, Banana Sundae. Kala ko binibiro niyo lang ako eh. Seryoso pala kayo (sa mga magagalit, sumusunod lang po ako sa utos ng director ko. Kalma.) #lablablab.”

Marami ang natuwa sa pagsusuot ni Jessy ng costume ni Darna at bagay nga raw sa kanya dahil boobsie siya at long-legged na dalawa sa requirements ni Direk Erik Matti sa aktres na gaganap na Pinay superhero sa pelikulang Darna ng Star Cinema.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May naniwala pang si Jessy lang, bukod kay Angel Locsin, ang may karapatang gumanap bilang Darna. May mga nakiusap na bigyan ng chance si Jessy dahil deserving siya para gumanap sa nasabing pelikula.

Pero hindi pa rin maiwasang may mga hater at nag-bash kay Jessy na ang iba ay fans ni Angel. Tinawag na trying hard maging Darna si Jessy dahil bago magsuot ng costume ng Darna, nag-post din daw ito ng picture na naka-red swimsuit.

May nagpayo naman kay Jessy na dahil post siya nang post ng pictures tungkol kay Darna, mag-audition na lang siya para kung siya ang mapili ng Star Cinema at ni Direk Erik, walang magrereklamo.

Hindi sumagot si Jessy sa bashers, pero ang mommy niya ang hindi nakatiis, sinagot nito ang nag-comment na hindi bagay kay Jessy ang role. Magaling daw itong aktres, pero masasayang ang role kung kay Jessy mapupunta.

Sagot ng mommy ni Jessy: “Puro ka damit and you don’t seem happy in life sayang at di mo sya kilala ng lubusan lagyan mo ang mga damit mo ng tao above all put some heart.”

Ang “puro ka damit” na binanggit ng mommy ni Jessy ay ang posts na damit ng basher na ibinibenta nito online. Naaliw kami sa reaction ng mom ni Jessy, sa totoo lang. (NITZ MIRALLES)