Pasok na naman sa “Magic 12” o winning circle ng mga senatorial bet si Valenzuela City Rep. Sherwin “Win” Gatchalian sa nationwide survey na isinagawa ng Radio Mindanao Network (RMN) nitong Enero 5-14.

Umabot sa 22.64 na porsiyento ng mga respondent ang nagsabing iboboto nila si Gatchalian sa pagkasenador sakaling ngayon gagawin ang eleksiyon. 

Ang naturang voter preference ay naglagay kay Gatchalian sa No. 12 position at nalampasan pa niya ang re-electionist senator na si Teofisto “TG” Guingona Jr., na nasa ika-13 puwesto.

Pinakamataas ang voter preference ni Gatchalian sa Northern Luzon matapos siyang makapagtala ng 33.42 porsiyento, at sinundan ito ng National Capital Region, na 22.30 porsiyento ang boboto sa senatorial candidate ng Nationalist Peoples Coalition (NPC).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nananatili pa ring No. 1 senatorial bet si Senador Tito Sotto na kapartido ni Gatchalian sa NPC, ang pangalawang pinamalaking partido sa bansa na itinatag ng business tycoon na si Eduardo “Danding” Cojuangco noong 1991.

Matatandaang pumasok din sa Gatchalian sa Magic 12 sa Pulse Asia survey noong Disyembre 4-11, 2015, nang magtala siya ng 36 percent voter preference.