LOS ANGELES – Ang kakaibang Star Wars prop piece, ang DL-44 blaster ni Luke Skywalker na ginamit sa 1980 film na The Empire Strikes Back, ay ibinibenta sa halagang hindi bababa sa $200,000.
Ayon kay Nate D. Sanders, ang prop gun, na gawa sa gray, brown at silver fiberglass, ay maganda pa rin ang kondisyon, nananatili “(in) its original flash suppressor and scope, though it does not (and never did) fire”.
Iniregalo ng aktor na si Mark Hamill, gumanap bilang Skywalker, ang prop sa isang batang tagahanga sa isa sa mga episode ng BBC television show na Jim’ll Fix It, ayon sa aution house.
Ang prop, 12 inches, ay inilalarawan bilang “in very good condition” sa kabila ng mga paggamit.
Ayon sa Nate D. Sanders’ website, ang minimum bid ay $200,000 at ang auction ay tatagal hanggang sa Enero 28.