MIAMI (AFP) — Binalot ng napakatinding init ang Earth noong nakaraang taon, itinala ang 2015 bilang pinakamainit na taon sa kasaysayan at nagtaas ng panibagong pangamba sa climate change.
Hindi lamang pinakamainit ang 2015 sa buong mundo simula noong 1880, binasag din nito ang naunang rekord na itinala noong 2014 na may pinakamalaking agwat na naobserbahan sa kasaysayan, ayon sa ulat ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA).
“During 2015, the average temperature across global land and ocean surfaces was 1.62 degrees Fahrenheit (0.90 Celsius) above the 20th century average,” saad sa ulat ng NOAA.
“This was the highest among all years in the 1880-2015 record.”
Kumpara noong 2014, ang nagdaang taon ay mas mainit ng 0.29 degrees Fahrenheit, ang “largest margin by which the annual global temperature record has been broken.”
Kinumpirma ng US space agency na National Aeronautics and Space Administration (NASA), sumusubaybay sa pandaigdigang klima gamit ang fleet ng satellites at weather stations, na binasag ng nakaraang taon ang mga rekord para sa init sa bagong panahon.
Sinabi ng NASA na ang mga pagbabago sa temperatura ay itinulak ng pagtaas ng carbon dioxide at iba pang human-made emissions sa atmospera.
“Climate change is the challenge of our generation,” sabi ni NASA Administrator Charles Bolden.
“Today’s announcement not only underscores how critical NASA’s Earth observation program is, it is a key data point that should make policymakers stand up and take notice -- now is the time to act on climate.”