TUMAWA at nagpasalamat si Cesar Montano sa maraming bumati sa kanya sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap, ang movie ni Danny Zialcita sa Viva Films ni-remake as teledrama ng Viva at TV5, na mukha raw siyang mas bata ngayon. 

Matagal-tagal na ring walang ginagawang teleserye si Cesar, ang huli niya ay ang Akin Pa Rin Ang Bukas sa GMA-7 noong 2013, kaya nang i-offer sa kanya ng Viva ang bagong serye, hindi siya tumanggi.

“Nang i-offer sa akin ito ni Boss Vic (del Rosario), hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin lalo na nang malaman kong ang director ay si Joel Lamangan at ang makakatambal ko, si Claudine Barretto. Matagal ko nang gustong makatrabaho si Claudine at ito na ang pagkakataon. Tamang-tama naman na wala pa akong bagong project habang naghihintay ako ng tawag from Hollywood sa gagawin kong movie roon. Katatapos ko rin lamang gawin ang Nilalang na ipinalabas noong Metro Manila Film Festival last December.”

In turn, sinabi rin ni Claudine na parang Christmas gift sa kanya ng Viva nang sabihin sa kanya na ang isa sa makakatambal niya sa first project niya sa kanila ay si Cesar, dahil matagal na rin pala niya gustong makatrabaho ang actor.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Na-prove naman ni Cesar na mali ang sinasabing unprofessionalism sa trabaho ni Claudine, biro pa niya sa presscon, unprofessional ba iyong nauuna pa itong dumating sa location sa generator na gagamitin sa shooting?

Hindi naman nakaiwas si Cesar na sagutin ang tanong kung single ba siya or may girl friend na ngayon.

“Single po at hindi ko p’wedeng sabihing in a relationship, dahil on-going pa ang aming annulment case, magiging point against me iyon,” natatawang sagot ni Cesar.

Ang Bakit Manipis Ang Ulap ay mapapanood simula sa February 15, (wala pa silang sinabing time slot) sa TV5, na nagtatampok din kina Diether Ocampo at Meg Imperial. (Nora Calderon)