Bukas ang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa mga pagbabago sa kanyang governing rules and regulations matapos ang mga pagdinig kaugnay sa diumano’y iregularidad sa taunang film festival.

“We are open to suggestions and we will seek the committee and guidance of the Committee on Metro Manila Development,” sabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Emerson Carlos, sa kanyang kapasidad bilang MMFF executive committee chairman.

Isa sa mga bagay na kailangang tingnan ng MMFF executive committee, ayon kay Carlos, ay kung sino at paano iorganisa ang film festival na idinaraos tuwing Kapaskuhan.

“The selection of committees, for example, which has no clear foundation,” sabi ni Carlos, idinagdag na kailangang dumaan sa batas ang mga reporma.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tiniyak niya sa publiko ang pagbabago sa MMFF sa mga susunod na taon, idiniin na “reforms are now underway.”

(Anna Liza Vilas-Alavaren)