Nanawagan si Senate President Ralph Recto sa gobyerno na punuan ang may 218,639 na bakanteng posisyon sa pamahalaan upang kahit bahagya ay maresolba ang problema sa kawalan ng trabaho sa bansa.

Ayon kay Recto, puwedeng unahin ng gobyerno ang may 536,072 college graduate na walang trabaho.

“There’s a huge talent pool which can be tapped of the 1,513,695 total permanent job positions in the national government, only 1,295,056 will be occupied this year, leaving a vacancy of 218,639,” ani Recto.

Aniya, hindi pa kasama rito ang bakante sa mga local government unit (LGU).

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nagtalaga ang Kongreso ng P16.9 bilyon mula sa 2016 national budget para pondohan ang mga trabaho na wala pang nakapuwesto, habang P7.7 bilyon naman ang inilaan para sa bagong posisyon.

Ang Department of Health (DoH) at Department of Education (DepEd) ang may pinakamalaking pangangailangan.

Kailangan ng DoH ang 21,118 kawani, na kinabibilangan ng 946 na doktor, 15,727 nurse, 3,100 midwife, 308 medical technologist, 324 na dentist, na may kabuuang payroll cost na P7 bilyon.

Habang nangangailangan naman ang DepED ng 62,320 guro.

“While not all of these slots must be filled urgently, in fact there may be no need to fill some of them, for reasons of efficiency and economy, they still show career opportunities in public service for those with the qualifications and the drive to take them,” ayon pa kay Recto. (LEONEL ABASOLA)