Enero 15, 1831 nang makumpleto ng French author na si Victor Hugo (1802-1885) ang kanyang makasaysayang nobela na pinamagatang “The Hunchback of Notre Dame,” mas kilala bilang “Notre-Dame de Paris.” Kinumpleto niya ito sa loob lamang ng apat na buwan, matapos maantala nang maraming beses ang kanyang deadline.

Tampok sa istorya ang medieval life sa Paris sa kasagsagan ng pamumuno ni Louis XI noong ika-15 siglo. Minahal ng kubang kampanero na si Quasimodo, na pinagtulungang saktan ng mga galit na tao, ang magandang gypsy na si Esmeralda.

Sinaksak ni Archdeacon Frollo si Captain Phoebus matapos paboran ni Esmeralda ang huli.

Si Hugo, na ang ama ay isa sa mga tauhan ni Napoleon, ay nag-aral ng abogasya, ngunit nagdesisyon na maging manunulat. Noong 1830s, nagsulat siya ng iba’t ibang play, at taong 1841, siya ay nahalal sa Acadamie Francaise.

Trending

Dahil puro share lang ng memes: Lalaki, binasted ng nililigawan dahil akala maliit ang sahod niya