Inihayag ng reigning Tour de France champion na si Chris Froome ang kanyang target sa taong ito na kinabibilangan ng double Olympic gold sa darating na Rio de Janeiro Olympics at makamit ang kanyang ikatlong titulo sa Tour de France.

Nais muling manalo sa darating na Hulyo sa prestihiyosong karera sa Paris ang 30-anyos na Briton na nakamit ang kanyang ikalawang kampeonato sa Tour de France noong nakaraang taon kasunod ng nauna niyang panalo noong 2013.

Mukhang mabigat ang itinakda niyang target para sa kanyang sarili sa taong ito, ngunit matapos mabagtas ang ruta ng dadaanan ng karera sa Rio na may distansiyang 256.4 na kilometro na tinatampukan ng maraming matataas na akyatin at mabatong bahagi, natantiya ni Froome ang kanyang tsansa.

Idaraos ang road race ng Rio Olympics sa Agosto 6 at isusunod ang time trial na 60 kilometrong akyatin makalipas ang apat na araw.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naniniwala si Froome na walang magiging problema para sa kanya ang nasabing schedule ng karera.

“I went and rode the road course the next day and just felt ‘if there’s a one-day course I could win, it would look something like this’.

“Having said that, it’s such a complicated thing, the Olympic road race. Teams of maximum five riders, 260km. You can’t rely on too much team work with four team mates.

“That amount of climbing. It’s almost every man for himself, almost like a junior race. It’s going to be a dramatic race when you look at the route. People are going to be on their hands and knees by the last two laps,”ani Froome sa panayam na naunang lumabas sa Reuters.

Noong 2012 London Games, nagwagi si Froome ng bronze medal sa time trial habang ang kanyang dating kakampi sa Team Sky na si Bradley Wiggins ang nanalo ng gold medal.

“It would be lovely (to win gold),” ani Froome.”I was fortunate to get Olympic bronze in London. It felt massive even on the back of the Tour we’d had.”

“It felt enormous. You almost can’t believe how overwhelming the Olympics are, bigger than just your sport,”dagdag nito.

Gayunman, sinabi ni Froome na prayoridad niya ang Tour de France dahil nais niyang maging unang rider kasunod ni Miguel Indurain ng Spain na napanatili ang titulo at ang dating American champion na si Lance Armstrong.

Ayon pa kay Froome, mas kundisyon siya ngayon kumpara noong 2014 kung saan ang tangka niyang back-to-back win ay natapos dahil sa isang matinding semplang sanhi ng malakas na ulan sa Northern France. (Marivic Awitan)