RIA copy

MAGTATAPOS na sa Biyernes ang seryeng Ningning na pinagbibidahan ni Jana Agoncillo at papalitan naman ito sa Lunes ng Be My Lady nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na nag-press launch na kahapon.

Kaya nalulungkot si Ria Atayde, gumaganap bilang si Teacher Hope Cruz sa serye, dahil hindi na niya makakasama ang mga estudyante niyang sina Ningning at Mac Mac (John Steven de Guzman).

Sa It’s Showtime noong Sabado ay nagpasalamat na ang buong cast sa pangunguna nina Sylvia Sanchez, Rommel Padilla, Marco Gumabao, Ketchup Eusebio at iba pa.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Umabot sa halos pitong buwan ang Ningning kaya malalim na ang samahan ng buong cast kaya hindi maiwasang hindi sila malungkot lalo na si Ria na big break niya ang nasabing serye at umaasang masusundan ito.

Pero ang Daddy Art Atayde ni Ria ay gustung-gusto naman siyang maging newscaster o TV host.

“I’m open naman po to anything like if there’s any offer naman, OK. But as of now ay focused po kasi ako sa acting,” kuwento ng dalaga.

Pinapangarap niya na makasama sa project ang kanyang Mommy Sylvia (Sanchez) at Kuya Arjo sa project.

“Pero sabi po ni Mommy, bago kami magsama-samang tatlo, dapat daw po ay mahasa muna ako sa acting, pero in terms of work, anything lang po, really,” sabi ni Ria.

Matagal ang paghihintay ni Ria bago nagkaroon ng serye kaya sa tanong kung mahaba ang ang pasensiya niya, “It depends po, really. Kasi ayaw ko po na walang ginagawa.”

Pero bago pinasok ni Ria ang showbiz ay may regulasyong ibinigay sa kanya ang kuya Arjo niya, ‘no to showbiz boyfriend!’

Kaya siguro walang nagpaparamdam sa kanyang showbiz actors, “kasi po takot sila kay Arjo,” humalakhak na sabi ni Ria.

Bakit nga ba ayaw ng kuya ni Ria ng taga-showbiz?

“Kilala ko na po kasi lahat, kaya if ever, wala rin akong mapipili sa kanila if ever. ‘Yun po ang reason din kaya wala rin akong ma-crush sa kanila kasi kilala ko silang lahat, alam ko lahat ‘yung mga kalokohan nila, alam ko lahat ‘yung ginagawa nila.”

Nawalan ng gana si Ria dahil kilala niya lahat ang mga artistang lalaki sa showbiz.

“Hindi naman po ako turn-off, siguro ‘yung idea na, para mas kilala mo na ‘yung tao, nawawalan na ‘yung mystery, so wala na akong ilu-look forward pa, wala nang kilig factor,” paliwanag ng dalaga.

At ang 2016 resolution ni Ria, “Complain less, not that I complained a lot, being more patient to myself and, madali kasi akong ma-frustrate pagdating sa sarili ko.

“Paghintayin mo ako, okay lang, pero ‘yung sa sarili ko, medyo mabilis akong ma-frustrate, iniiyak ko na lang, think about things na wasted, whatever, iyakin po kasi ako.” (Reggee Bonoan)