GUMAGANAP na ina ni Bianca Umali sa Wish I May si Camille Prats at dahil 15 years lang ang pagitan ng kanilang edad, inalam ng press people kay Camille kung hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang project? Ito ang first time niyang pagganap bilang ina ng isang teenager.
“Nang tanggapin ko ang project, in-explain sa akin ang role ko at anak ko sa pagkadalaga si Carina (Bianca). Okey lang sa akin na ang role ko may anak na teenager o dalaga. As an actress, I have to evolve. My role is something new for me, nanibago ako at excited ako to portray my role and my character as Olivia,” paliwanag ni Camille.
Natutuwa si Camille na si Bianca ang gumaganap bilang anak niya dahil mabait ito, matsika, madaldal, very hardworking, very eager to learn at mahusay na artista. Ang hindi lang nasagot ni Camille sa tanong ng press people ay kung sa palagay ba niya ay may relasyon na sina Bianca at Miguel Tanfelix.
Magsisimula sa January 18, kapalit ng The Half Sisters ang Wish I May sa direction ni Neal del Rosario. Umaasa si Camille at ang buong cast na bibigyan ng chance ng viewers na panoorin at subaybayan ang Afternoon Prime gaya ng pagsubaybay sa The Half Sisters.
Sa mga nagtanong kay Camille kung kailan sila ikakasal ng fiancé niyang si John Yambao, “next year” ang mabilis na sagot niya. —Nitz Miralles