Dalawang empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang nawalan ng mamahaling laptop computers matapos mabiktima ng “Salisi “gang na nagkunwaring mga pambansang atleta para makapasok sa opisina ng ahensiya ng gobyerno sa Vito Cruz, Manila.

Napag-alaman sa PSC Operations Department na napasok ng dalawang katao, na hinihinalang mga miyembro ng Salisi gang, ang opisina ng PSC Research and Development Division at ang laptop na pagmamay-ari ng mga empleyado na sina Dole Llanto at Alona Quintos.

Kasalukuyan namang tinutukoy ang katauhan ng dalawang lalaki na nakita ang mga mukha mula sa kuha ng CCTV sa naturang tanggapan sa Precint 9 ng Malate Police Station ng Manila Police.

Sinabi ni PSC Operations Chief Manny Bitog na nakapasok ang mga suspek matapos magpanggap na mga atleta na kukuha ng buwanang allowance upang makaakyat sa ikatlong palapag ng gusali bago nagawang kunin ang mga mamahaling laptop.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!