Enero 8, 1996 nang bumulusok ang cargo plane ng African Air sa isang mataong pamilihan at sumabog sa Kinshasa, Zaire (ngayon ay Congo), na ikinamatay ng halos 250 katao, at 500 naman ang sugatan.

Nahirapan ang mga rescuer na matukoy ang bilang ng nasugatan, at karamihan sa mga biktima ay babae at bata na namimili nang mangyari ang insidente. Ang pamilihan ay gawa sa bakal at kahoy, kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Nakaligtas ang apat sa anim na crew member ng eroplano, ngunit inaresto sila ng mga pulis. Inalalayan ng mga tauhan ng Red Cross ang mga sundalo at local volunteers sa pagkuha sa mga bangkay, gamit ang mga plastic bag at stretcher.

Kilala ang African Air dahil sa minsan ay paglabag sa safety regulations, at hindi nagtagal ay nalugi ito at nabaon sa utang.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon