6Penalosa copy

Patuloy ang pag-angat ng kalidad ng young Filipino prospect na si Dodie Boy Penalosa, Jr., sa Estados Unidos.

Sapul nang itatag nito ang training camp sa East Coast, nakapagtala na si Peñalosa ng apat na sunod na panalo.

Sa huling laban nito ay dalawang round lamang ang itinagal ni American journeyman Johnny Frazier noong nakaraang buwan sa Indiana.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon sa 24-anyos na si Peñalosa, lahat ng kanyang nakasagupa, maging sa laban man o sparring sessions, ay naging palaban kahit na anak siya ng isang tanyag na dating world boxing champion.

“Dyan sa Pilipinas kasi pag nadinig yung apelyido ko, umaatras ‘yung mga kalaban. Dito basta naghamon kami, laban agad sila,” ani Peñalosa na may naitalang rekord na 17-0, 13 knockouts.

Si Peñalosa Jr., isa sa dalawang anak na boksingero ni Dodie Boy, Sr., ang kauna-unahang Filipino boxer na naging two-division world champion.

Magkasama ngayon ang mag-ama sa Maryland kung saan naroon ang kanilang training camp samantalang patuloy ang pag-ensayo sa Pilipinas ni Dave, nakababatang kapatid ni Dodie Boy, Jr., habang hinihintay ang kaniyang visa application.

“Iba ang training dito kasi maraming technique ako na natututunan. Malaking tulong din na mayroon akong quality sparring partners,” ani Penalosa, Jr.

Kamakailan, pumirma ang magkapatid na Peñalosa ng longterm deal kay American manager Cameron Dunkin, ang parehong manager na may hawak kay Filipino Flash Nonito Donaire, Jr.

Samantala, hinahanapan ngayon si Penalosa ng isang mas matibay na kalaban para sa isang eight-round schedule sa January 16. (DENNIS PRINCIPE)