Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatuloy ang full military operations ng militar laban sa mga armadong grupo, partikular na sa New People’s Army (NPA), kasunod ng pagtatapos ng 12-araw ng holiday truce.

Ang suspension of military operations (SOMO) ng gobyerno laban sa mga rebelde ay naging epektibo dakong 12:01 ng umaga nitong Disyembre 23 at magtatapos ng 11:59 ng gabi kahapon, Enero 3.

Nagdeklara rin ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng sarili nitong ceasefire mula Disyembre 23, 2015 hanggang Enero 3, 2016.

Gayunman, inakusahan ng militar ang NPA sa paglabag sa sarili nilang tigil-putukan nang atakehin nito ang tropa ng Philippine Army noong Disyembre 23 sa Surigao del Sur at nitong Disyembre 31 sa Camarines Sur.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kabila nito, sinabi ng militar na hindi ito nagkasa ng pursuit operations bilang pagtalima sa SOMO.

“As soon as the SOMO ends and the unilateral ceasefire with the CPP-NPA (Communist Party of the Philippines - New People’s Army) comes to a halt tonight, the armed forces will cease its active defense mode and will switch back to full military operations against all enemies of the state,” sabi ni AFP spokesman Col. Restituto Padilla.

Nagpahayag din ng kalungkutan si Padilla sa katotohanang “peace only comes about during the holidays, particularly the Christmas season.” - Elena L. Aben