Kinumpirma ng pamunuan ng Ultimate Fighting Championship (UFC) na muling magkakaroon ng fight card sa Pilipinas sa 2016.

Ito ang inihayag ni Kenneth Berger, UFC executive vice-president kung saan sinabi nito na magsasagawa sila ng isa pang fight card sa bansa sa susunod na taon matapos ang matagumpay nilang unang event sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay, City noong Mayo sa pamamagitan ng UFC Fight Night 66.

Ang UFC Fight Night 66 main event ay ang labanan nina Frankie Edgar at Urijah Faber.

Nasa pag-uusap pa sa ngayon ang mga opisyal ng UFC upang maitakda ang petsa ng nabanggit na event sa bansa.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Inaasahang sa first quarter sila makapagbibigay ng mga kumpirmadong detalye hinggil dito. (Bombo Radyo)