Conor McGregor, sa pagtala ng 13-segundo sa UFC 194.
Pinakamatunog ang pangalan ni Conor McGregor nitong 2015 sa kahit na sinumang fighter na lumaban sa loob ng 12buwan.
“He saved one of his best for last.” Ang pahayag ng isang sports analyst.
Noong Disyembre 9 sa Las Vegas, tatlong araw bago nito nasungkit ang UFC featherweight champion kung saan 13-segundo lang nang mapatumba nito si Jose Aldo sa UFC 194, ay nagtanong si McGregor.
“What can [the critics] say after Jose falls?” ang tanong nito.
Sa larangan ng combat sports, wala na sigurong atleta na katulad ni McGregor na mas malakas ang boses at mag-iwan ng kontrobersiya sa tuwing ito ay lalaban.
Ang 27-anyos na si McGregor ay gumawa na naman ng ingay sa taong ito.
Maraming “trash talk” ang lubhang pumapailanlang sa publiko, subalit wala na sigurong tatalo pa kay McGregor sa pagbitiw ng salita at tinutotoo niya ito.
Ginawa niya mismo kung ano ang sinabi niya bago ang kanilang pagharap ni Aldo. At ang kanyang mga accomplishment ay lubhang kahanga-hanga kabilang na rito ang 13-segundong knockout ni Aldo na nagtala ng pinakamabilis na laban sa kasaysayan sa UFC at lagpasan ang 14 segundong laban ni UFC superstar Ronda Rousey noong Pebrero. Samantala, ito na marahil ang pinakamalaking kabiguan ni Aldo na hindi natatalo sa loob halos ng 10- taon.
Si McGregor ay dalawang beses na na-headline sa US record para sa live gate. Ang UFC 189 ay kumita noong Hulyo, kung saan naitala ng $7.2 milyon. Gayunman, bumagsak ang rekord na iyon pagkaraan ng limang buwan, dahil sa UFC 194 kung saan kumita ito ng $10.1 milyon.
Sa weigh-in pa lamang para sa UFC 194 ay umabot na ng halos 9,000 tao sa MGM Grand, sa Las Vegas. Ayon sa ulat, ang nasabing weigh-in ay kumalap ng live television audience ng halos 294,000 viewers sa cable.
“At 27 years of age, I stand here as the unified world champion,” ang pahayag ni McGregor, matapos ang UFC 194.
“Back-to-back gate records at the MGM. This is trending as the highest pay-per-view of all time for UFC. I’m 27 years of age with every record in the book.”
Dalawang taon ang nakalilipas, si McGregor ang tinaguriang “widely-viewed,” isang fighter na malakas subalit limitado ang galaw. Sa ngayon, siya na ang pinakamagaling sa pound-for-pound, na may knockout finish at isang “legitimate threat” sa mga pinakamagagaling na fighter. Si McGregor din ang ikatlo na nanalo ng UFC title sa multiple weight classes at ngayon siya ang kinilala bilang Fighter of the Year.
Ang mga honorable mentions naman ay sina Holly Holm, 3-0 sa taong 2015; Raquel Pennington (SD), Marlon Reneau (UD), at Ronda Rousey (KO2). (ESPN Sports)