Disyembre 30, 1906 nang itatag ni Aga Khan III ang All-India Muslim League, na kilala ngayon bilang Muslim League.

Itinatag ito upang itaguyod ang mga karapatan ng mga Muslim sa India.

Noong una, pabor ang mga mananakop na Briton sa samahan. Ngunit noong 1913, nagsimulang isulong ng grupo ang self-government para sa India.

Ipinanukala ng samahan, lalung-lalo na noong pinamumunuan ni Muhammad Igbal, ang pagtatatag ng isang hiwalay na bansang Muslim, na kilala ngayon bilang Pakistan.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Noong World War II, pinayagang manilbihan ang samahan dahil suportado nito ng digmaang Briton nang mga panahong iyon.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah, nanawagan din ang samahan para sa pagkakaisa ng mga Hindu at mga Muslim.

Hinati ito sa dalawa: ang Convention Muslim League, at ang Council Muslim League.